Regine Velasquez /

Sa Aking Pag-Iisa

Sa 'king pag-iisa
'di maiwasang maalala ka
Tamis ng iyong halik
paulit-ulit na nagbabalik
at nasasabik pag-inisip ka
'pag nag-iisa

Sa 'king pag-iisa
Ang yakap mo ay hanap-hanap pa
Haplos ng iyong kamay
ay pilit ko pa ring ginagaya
Habang hawak ko ang larawan mo
at nag-iisa

Kung magkikita tayong muli
Hindi ko na ikukubli
Na nais madama muli
Ang iyong pag-ibig
Kahit sandali
Ibigin mo ako ngayon
at bukas ay iwanan mo ako
ng bagong ala-ala sa aking pag-iisa