I
tila inulan ang puso ko
nang manlamig ang iyong pagsuyo
o bakit naglaho ang iyong pagtingin
parang sinlamig ng panahon

II
at nang ikaw ay kinausap ko
habang ang ulan ay bumubuhos
nakita ko sayong mga mata
na gaganda ang panahon

Chorus I:
tila hihina rin ang ulan
tila lilipas din ang bagyo
kahit madilim ang kalangitan
may nagtatagong sinag sa ulap

II
At nang ikaw ay kinausap ko
Habang ang ulan ay bumubuhos
nakita ko sayong mga mata
na gaganda ang panahon

Chorus II:
Tila hihina rin ang ulan
Tila lilipas din ang bayo
Liliwanag din ang kalangitan
At ang araw ay sisikat ng muli

Ref:
Ang karimlan ay haharapin
Matatanaw ko rin bughaw na langit
Umaasang ang pag ibig mo ay magbabalik

Pawiin mo ang lungkot
Sa puso ko
kahit madilim ang kalangitan
May nagtatagong sinag sa ulap

repeat Chorus II